Ang Prankang Buhay Ni Bb. Pokpok

February 28th, 2006 by knunian

by Stephen ******

…..

Bb_pokpok_2_3 Ang bawat silip ni Mang Ernesto sa maliit na butas ng salamin ng club ay hudyat na nang unti-unting simula ng isa nanamang makasalanang gabi ni Bb. Pokpok. Malaki at matipuno si Mang Ernesto at balitang-balita na dating taga-Munti kung kaya’t ganu’n na lamang ang takot nang sinumang papasok sa Mansanas Ni Eba.

Handa na ang lahat at nag-sisidatingan na ang mga tao.
Ngunit sa dressing room…..
“PU-tang-ina! Sinong kumuha ng lipstick ko?! Sumagot kayong mga leche kayo!” sigaw ni Bb. Pokpok.
“Puntang-ina mo rin, hindi mo kaya’ hanapin kaysa nagtuturo’ ka ng daliri. We’re all innosence “ sagot ng kasamang kapwa GRO.
“Eh malandi ka pala eh, baka gusto mong isubsub ko yang pagmumukha mo sa pwetan ni Mang Ernest—“
Bumukas ang pintuan ng CR.
“Sinong puta nanaman ba ang mahilig mag-iwan ng lipstick dito sa CR?! At ano nanaman ba ang problema mo ha Veterana? Rinig sa loob ng CR yang maanghang mong dila.” sabi ng isang panot na bading.

Dose ang puta’t dancers sa loob ng dressing room, kasama na do’n si Bb. Pokpok o sa bansag sa kanyang Veterana. May sumusipol habang nag-me-makeup, may gumugewang –gewang habang nagpapalit ng damit dahil sa kulang sa tulog, at ang karamihan ay natigilan sa pagchichis-misan dahil sa panibagong pag-sa-skandalong inumpisahan dahil lamang sa isang nawawalang listick.
Ang matandang bading na kalalabas ng CR ay si Policarpio Gardiosa o Magda. Lahat ng dalawangpu’t apat na mga mata ay ngayo’y nakatitig kay Veterana. Nag-aantay ng kanyang isasagot sa matandang bugaw na nagpalaki sa kanya.
Isang butil ng pawis ang mabilis na nabuo sa gilid ng nuo ni Veterana.
Iniwan ni Veterana ang eksena. Nagtawanan ang mga tsimosang puta.

Sa gilid ng bar, sa likod ng makintab na kurtinang nagtatakip sa kanyang mala-manikang hubog at ng palaruan ng aliw ay dumungaw si Bb. Pokpok.
“Mga pinulot sa kangkungan. Ang boba’ boba mo! Veterana ka pa man din” isip ni Bb. Pokpok.
“Siya nanaman?”, aniya sa pagkakakita sa isang pamilyar na lalaking naka-table at tila may mapayapang ekspression sa mukha nito.
Ilang araw na rin ang nakalipas nang una niya itong napansing madalas napupunta sa Mansanas Ni Eba at tila si Veterana ang taning inaantabayanan.
“Pwede siya,” sabay ngisi ni Bb Pokpok.

Mabilis ang sumunod na pangyayari.
Mula sa simpleng pagmamasid ay agarang linapitan ni Vetarana ang lalaking suki. Hinablot ang isang kamay at agad na hinila patungo sa pintuan.
“Paraanin mo ko!”, banta ni Veterana.
“Tangna naman! Huwag mo naman akong ilagay sa alanganin!”, aniya ni Mang Ernesto.
“Alam mo kung ano ang kaya kong gawin!” na nanlilisik ang kanyang pagkakatitig.
Ibinaling ng matandang matipunong bouncer ang attensyon sa binatang kasama ni Veterana. Pinag-aralan ito. Pagkatapos ay muling tumingin sa kaharap na putang nanlilisik na sa inip.
“Napahiya ka nanaman ba? Huwag mo nanaman gawing dahilan yon para idamay ang isang ‘to sa mahabang listahan ng mga ginago mo!”
“Eh ungas pala to-eh! Trabaho natin ang mang-GAGO! At kung sa akala mo ay dahil pinalibre kita kagabi ay may karapatan ka nang bakuran na lang ako ngayon nang basta-basta! Hindi ko kailangan ng kawang-gawa! Alam kong malaki pa rin ang respeto mo sa mga babae, puta man o nag-sasanta-santita! Kaya kung ayaw mong mawala ang natitirang ko pang respeto iyo AY PADADAANIN MO KO ORA MISMO!!!”

Nagulat ang mga barakong nakapila sa labas at biglang lumabas ang isang napakagandang pokpok hila ang isang binatilyo.
“Sama mo naman kami!” pahabol ng isang tila minor de edad na puno ng tagyawat sa mukha.
“Mas liligaya ka naman sa alaga ko! Mukha namang sakristan yang kinupit mo sa loob!” sabay hagikgikan ng malakas.
Kulang-kulang isang kilometro na ang kanilang nilalakad ay narating na nila ang Serpent’s Kiss Apartelle.
“O Jared! Buti naman at umuwi ka ng maaga.” Agad na sinabi ng babaeng receptionist.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Veterana.
“Isang lingo nang naka-check-in yang si Jared dito no!”
Dahan-dahang ngumiti ang binata at biglang natigilan ng napansin may ibang kamay na pumasok sa bulsa ng kanyang pantalon.
“Huli ka!” at agad inilabas ni Bb. Pokpok ang susi sa silid ng kwarto ni Jared.
“Mauna na kami Elaine”
“Ingatan mo yang si Jared, lucky number pa naman ang kwarto nyan”.
“Huwag kang mag-alala”.

Pagkabukas ng silid ay agad pinaghahalikan ni Vetarana si Jared…….
Bawat yanig ng kama.
Bawat kapit ng kamay.
Bawat tulo ng pawis.
At bawat saliw ng nagpipintigang katawan ay tila orchestrang may makalangit na ritmong nadarama si Vetarana na hindi niya maipaliwanag. Ngayon lamang niya ito nadama sa buong buhay niya na sanay wala nang katapusan.

Kinabukasan sa loob ng room number 69. Nagising si Bb. Pokpok at hinanap ang wallclock ng silid. At sa halip na oras ang natagpuan ay napatayo siya sa pagkamangha……..
Punong-puno ang apat na sulok ng kwarto ng mga papel na may iginuhit na larawan niya. Nilapitan niya ito at isa-isang tiningnan. Kuhang kuha ng mga larawan ang pagkakaguhit ng kanyang mukha. Iba’t iba ang bawat larawan, may nakangiti, may nalulungkot, at iba pa. Natawa si Veterana sa larawang nagagalit.
“Ganyan ba talaga ang mukha ko paggalit” sabay ngiti at tawa.
May humikab. Agad na lumingon si Veterana at nakitang unti-unting nagigising na ang gumuhit ng mga larawan.
“Bakit?…. Bakit sa kanilang lahat ako ang pinili mo?”
“Dahil IKAW ang pinili ko….”
Nagulat si Veterana. May kakaibang punto magsalita si Jared.
“Bakit parang iba kang magsali-“
“Isa akong bingi.”
“Paanong-“
“Kaya kong magbasa ng galaw ng mga labi ng tao.” Malumanay na sagot ni Jared.
Tumayo si Jared. Kapwa silang hubad at walang saplot. Kahit ang katotohanan sa likod ng totoong kalagayan ng binata ay tuluyan na ring hinubad ng tuluyan.
Ilang sandali rin nilang pinagmasdan ang isa’t isa. Nangungusap ng kakaibang lengwaheng sila lamang ang nakakaunawa.
Nagsalita ang binata.
“Ngayon, basahin mo ang mga labi ko,”, kaagad na hinalikan ni Jared si Veterana. Tuluyang nilangoy niVeterana ang agos ng mga bisig ni Jared.

Simula nun ay madalas na ang pagkikita ng dalawa sa Apartelle kahit na patuloy pa rin sa pagpuputa si Veterana ngunit ng maglaon ay pabawas ng pabawas ang pagbisita niya sa Mansanas Ni Eba.

Sa room 69.
Humupa na ang kama sa pagyugyog.
Nabuhusan na ng tubig ang nagbabagang apoy ng kanilang humihikbing katawan.
“Jared, alam mong madumi ako. Pero tangna! Kapag ikaw ang kinakantot ko eh pakiramdam ko ay laging lakas tama sa sarap. Parang-”
“Hindi ka madumi. Tao ka lang na napipilitang gawin ang lahat ng makakaya mo upang mabuhay. Huwag na huwag mong iisiping isa kang gamitan. Ako ang gamitan hindi ikaw. Nagpapagamit ako upang bayaran ang utang ko.”
“Utang?”
“Utang ko sa iyo ang lubusang kaligayahan natanggap ko sa bawat saglit at mga sandaling nakikita kita ng dalawa kong mata, natitikman ang iyong mga labi, nadadampian ang iyong balat, at natatanggap ang mga busilak mong ngiti.”
Yumakap ng mahigpit si Bb. Pokpok sa kasintahan,
“Ang lakas talaga ng tama mo sa’kin. Ikaw ang bisyong hinding-hindi ko titigilan.”

“Putanginang mga puke! TIGILAN NYO KO!!!” sigaw ni Veterana.
“Sige na naman Veterana, kwentohan mo naman kami tungkol dun sa jino-jowa mo ngayon,” ani ng isang dancer.
“Hindi ka naman dating ganyan ha. Ikaw pa nga ‘tong nanghahatak sa amin para pagchismisan yung mga kinakantot mong customer. Tapos ngayon may pa-Maria-Clara –effect ka pang nalalaman.”, sang-ayon ng isang puta.
“Sinong Maria Clara?” tanong ng isa.
“Palibhasa kasi grade one lang ang tinapos mo kaya ang boba boba mo.”,
Bago pa magkasabunutan, nagsalita na si Veterana.
“Bago pa dumanak ang regla dito sa loob ng dressing room Babu!” sabay ng malakas na bagsak ng pinto palabas.

Sa bar, masinop na binibilang, kinukwenta, at sinusulat ni Magda ang benta ng nakalipas na gabi sa kanyang record’s notebook. Bagamat marumi ang kanyang negosyo ay napaka-ayos ng sulat kamay ni Magda. Marami na rin ang pinapurihan siya sa kanyang angking ayos sa pagsusulat.
“Alam mo, dapat kang gawing sekretarya ng Presidente.” banggit ni Veterana.
Ngumiti lang si Magda.
“Hindi mo ba ako tatanongin kung bakit?”,
“O sige kunwari sasakyan na kita.. O bakit?”
“Siguro kung ikaw ang sekretarya nya, mas malinaw nyang mababasa ang lahat ng mga problema ng bansa,”, sagot ni Bb. Pokpok.
“Talagang desidido ka na ba?” tanong ng matandang bakla nang hindi tumitigil sa ginagawa nito.
“Ganito pala ang mag-mahal, walang halong libog. Pu-rong damdamin at hindi puro kepyas.”
“Nagiging dyologs ka na. Tang-ina! In-love ka nga……”
“Kung dyologs ang magmahal, ikaw na ang pinakamalaking dyologs na nakilala ko.”, sabay hinalikan sa pisngi si Magda.
“Umalis ka na. Bago pa magbago ang isip ko.”
Biglang tinakpan ni Bb. Pokpok ang mga mata ni Magda.
“Ano nanaman to?”
“Basta!”
Pagkatanggal ng kamay ni Veterana ay mabilis na naglaho sa Mansanas ni Eba si Bb. Pokpok na may mga luhang pumapatak sa kanyang dinaraanan.
Pagkamulat ay nakita ni Magda na nakasarado ang Record’s Notebook. Binuksan niya ito. Sa loob ay may isang pudpod lipstick at mensaheng isinulat gamit nito. Mabilis na dumaloy ang luha sa kanyang pisngi.

Hinding-hindi kita malilimutan.
Ang puta ng buhay mo
Erika

“Puta ka talaga, parang kinayod ng manok ang sulat-kamay mo-“ at muling nag-patuloy ang pag-luha ng matandang bugaw.

Nag-uumpisa nang dumilim ang kulay ng mga ulap. Habang tinatahak ni Erika ang landas ng kanyang natitira pang pag-asa ay may kakaibang ligaya siyang nararamdaman sa nalalapit nilang pagkikita.
Pagkapasok ng Apartelle nadatnan niyang nagpupunas ng luha ang receptionist.
“Elaine? Anong nangyari?”
“Ah, eto ba? Wala to. Kakabasa ko lang kasi ng pocketbook.”
“Maganda ba? Boba ko talaga, syempre maganda, kitang kita na nga ang proweba. May namatay ba sa ending?”
Tila nanlaki ang mata ni Elaine sa sinabi.
“HUY!”,gulat ni Erika.
“Ha, o–oh.”
“Nakita mo ba si Jared?”
“Erika pwedeng humingi ng pabor?”
“Basta ikaw,”
“Paki-kuha naman nung mga natuyong trapo dun sa taas, sa sampayan.”
“Ginawa mo pa akong katulong. JokE! Sige mauna na ko at mukha ngang uulan.”
Patungo na si Erika ng…..
“Erika!”
“O?”
“Ang bait mo talagang kaibigan…..”
“Dyologs mo talaga. Sige!”, at tinahak na ni Erika ang hagdanan patungo sa itaas.

Kumalampag ang pinto ng rooftop ng Serpent’s Kiss Apartelle sa lakas ng hangin ng papalapit na ulan. Walang nadatnan na mga isinampay na trapo. Sa lakas ng hangin ay hindi niya napansin na may tao sa tabi ng dambuhalang billboard ng Apatelle.
“Mama’! Bawal po dito! Lumayo po kayo dyan at baka mahulog kayo!”sigaw ni Erika sa tila lalaking nakasuot ng backpack.
“Kanina pa kita inaabangan….”aniya ng lalake na may pamilyar na punto at boses.
“Jared? Ikaw ba yan? Nakakarinig ka na?”
Nanatiling nakatalikod si Jared at walang senyales ng paggalaw.
“Jared! Puta! Umalis ka dyan! Huwag mo kong takutin ng ganito!”,
“Nagtitiwala ka ba sa akin Erika? Maniniwala ka ba sa lahat ng sasabihin ko?”
“Puta naman! Oo! Wala nang atrasan to! Dyologs na kung dyologs! Ano BA!? Umalis ka na diyan! ”, nag-uumpisa nang umagos ang luha ng dalaga.
“Bago ako napadpad sa lugar na ‘to ay kasama ako ng isang mahigpit na samahan. Dahil sa aking kapabayaan ay iniwanan nila ako. Kasama nang pagkuha ng aking pandinig. Gayon na lamang ang lungkot na dinanas ko. Ngunit ng masilayan kita sa Mansanas ni Eba ay muli akong nakaramdam ng pag-ibig, na ang akala ko ay ipinagkait na rin sa akin. Ikaw ang naging langit ko sa lupa Erika. Ngayon muli na akong kinukuha ng aking samahan upang umuwi sa aming tirahan.”
“Putcha naman ano bang sinasabi mo? Iindyanin mo ko ganon?!”
“Ako ay isinilang ng langit. Ang sinumang aanyayahang sumama paroon ay mabibiyayaan ng buhay na walang hirap at pasakit. Ito ang kautusang nililihim ng samahan na aking nalaman kung kaya’t pinarusahan akong iwanan dito.”
“Isa kang-“
Hinarap ni Jared si Erika. Napansin ni Erika na may kakaibang kislap ang mga mata ng binata. Napanganga ang dalaga sa pagbubunyag ng binata.
“Sumasang-ayon ka ba Erika? Sumasang-ayon ka ba sa aking banal na paanyaya?”
Umihip ang malakas na hangin.
“Oo, sumasang-“ Agarang hinila ni Jared si Erika at banayad na nilapatan ng halik. Unti-unting umatras pahiga si Jared hawak-hawak si Erika at tuluyan na silang nawalan ng tinutungtungan. Parehas na magkahalikan at nakapikit ang dalawa habang nahuhulog na ang kanilang katawan mula sa ibabaw ng gusali. Mula sa likuran ni Jared ay umusbong ang tila mga pakpak ng liwanag na pumunit ng kanyang backpack kung kaya’t nagsiliparan ang lahat ng iginuhit na larawan ng dalaga.
Bumuhos ang banayad na ambon.

“Ka-wa-wang bata, artistahin’ pa man din, tsk tsk tsk tsk”, ayon sa isang matandang babae habang maraming osyuserong pinagkakaguluhan ang isang bangkay ng isang dalagang napapaligiran ng maraming sariling larawang nakakalat sa tapat ng isang apartelle……..

….

WAKAS…..

…..